Skip Global Navigation to Main Content
Search
 
  •  
  • Photo

  • #

  • Photo

  • Photo

  • Photo

Ang pinakamahalagang mga dahilan para pigilan ang isang terorista ay nasa mga paligid ninyo.

Pinapatay ng terorismo ng mga inosenteng tao na nasa bawat uri ng buhay. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon na pumipigil sa isang teroristang gawa, nagliligtas kayo ng mga buhay, pinoprotektahan ang mga pamilya at pinananatili ang kapayapaan.

 

Naghahandog ang Estados Unidos ng gantimpala para sa impormasyong nagbibigay daan sa pag-aresto ng mga taong nauugnay sa terorismo. Kung mayroon kayong impormasyon na makakatulong, mangyaring magbigay ng tip ngayon.

 

Magbigay ng Tip

Skip Breadcrumb Navigation

Mga Pinakabagong Balita

  • Litrato ni Abu Du’a

    Abu Bakr al-Baghdadi

    Hanggang $25 Milyong Gantimpala

    Si Abu Bakr al-Baghdadi, na kilala rin sa ngalang Abu Du'a, sa ngalang Ibrahim ‘Awwad Ibrahim ‘Ali al-Badri, ay ang nakatataas na lider ng teroristang organisasyong State of Iraq and the Levant (ISIL). Mas lalong naragdagan ang pagiging mapanganib ni al-Baghdadi mula noong unang alok ng $10 milyong gantimpala ng Department of State para sa impormasyo na magbibigay sa kanyang kinaroroonan, pag-aresto, at paghatol ng maysala, nang pinahayag ito noong 2011. Noong Hulyo 2014, inagaw ng ISIL (na kilala ring Da’esh) ang pag-kontrol sa mga bahagi ng Syria at Iraq, pinahayag ang pagtatag ng isang Islamic caliphate, at ginawang caliph si al-Baghdadi. Sa mga nakaraang taon, sumanib sa ISIL ang mga grupong jihadist at mga taong radical na mula sa lahat ng dako ng mundo, at nakapagbigay-buhay sa mga pag-atake sa Estados Unidos. (Buong Teksto »)

  • Gulmurod Khalimov

    Gulmurod Khalimov

    Hanggang $3 Milyong Gantimpala

    Dating koronel ng special operations, komandante ng pulis, at sniper ng militar sa Tajikistan. Si Gulmurod Khalimov ay isang miyembro at recruiter ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL). Siya ang dating komandante ng isang bukod tanging paramilitary unit sa Ministeryong Panloob ng Tajikistan. Si Khalimov ay lumabas sa isang propaganda video na kinukumpirmang lumalaban siya para sa ISIL at pinahayag niya sa madla ang mga nais niyang karahasan laban sa mga Amerikano. (Buong Teksto »)

  • Litrato ni Abu-Muhammad al-Shimali

    Abu-Muhammad al-Shimali

    Hanggang $5 Milyong Gantimpala

    Ang nakatataas na Hepe ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) na si Tirad al-Jarba, mas kilala sa ngalang Abu-Muhammad al-Shimali, ay nalalamang may kaugnayan sa ISIL, na dating kilalang al-Qaida sa Iraq, magmula 2005. Siya ngayon ay isang importanteng opisyal ng Immigration and Logistics Committee ng ISIL, at ang tumutulong sa pagbibiyahe ng mga teroristang mula sa (Buong Teksto »)

  • Litrato ni Mga Antigo

    Pangangalakal sa Langis at mga Antigo na Pakikinabangan ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL)

    The Rewards for Justice program ay naghahandog mga gantimpala na hanggang $5 milyon para sa impormasyon na magbibigay daan sa malaki-laking pagkakapahinto ng pagbebenta at/o pangangalakal ng langis at mga antigo ng, para, sa ngalan, o na pakikinabangan ng teroristang grupo na Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL), na kilala rin sa Arabong acronym na DAESH. (Buong Teksto »)

Mga Kuwento ng Pagtatagumpay

Foto Ramzi Yousef

Nahatulang May-sala

Ang Tip ay Nagbigay Daan sa Paghatol ng May-sala kay Ramzi Ahmed Yousef


Si Ramzi Ahmed Yousef ang utak na teroristang may-kagagawan ng pagbomba noong Pebrero 1993 sa World Trade Center sa New York City na anim ang namatay at higit sa isang libo ang mga nasaktan. Si Yousef at ang kanyang mga alalay ay nagmaneho ng isang van na puno ng mga pampasabog patungo sa basement ng World Trade Center. Mga ilang oras pagkatapos sumabog ang mga bomba... (Buong Teksto »)

Makipagkonek


twitter   facebook   youtube   rss