Wanted
Isnilon Hapilon
Hanggang $5 Milyong Gantimpala
Lugar ng Kapanganakan : Malamang na sa Lantawan, Basilan
Taas : Mga 5’5” – 5’7” (165 cm)
Buhok : Itim
Mata : Brown
Kasarian : Lalaki
Kulay ng balat : Kayumanggi
Mga Katangian : Payat; maaaring may balbas sa kanyang baba lang at medyo may bigote
Mga Alyas : Abubakar Hapilon, Amah Hi Omar, Abu Omar, Abubakar Bakkal
Personalidad : Popular siya sa kanyang mga kasamahan; ipinagmamalaki niya ang kanyang mga kakayahan at may-pagtitiwala siya sa mga ito.
Si Isnilon Hapilon ay isang nakatataas na lider sa Abu Sayyaf Group, isang organisasyong terorista sa dakong timog ng Pilipinas. Ang grupo at ang liderato nito ay kasama sa network ng mga teroristang Muslim na kalat sa buong mundo, kabilang ang Jemaah Islamiyah at al-Qa’ida.
Kasali si Hapilon sa pagkidnap sa 20 indibidwal, kabilang ang tatlong Amerikano, sa Dos Palmas noong 2001.
Noong Mayo 27, 2001, kinidnap ng ASG ang tatlong Amerikano sa Dos Palmas Resort sa Palawan, Pilipinas. Nakilala ang tatlong Amerikano na si Guillermo Sobero at ang mag-asawang misyonero na sina Martin at Gracia Burnham. Noong Hunyo 11, 2001, sinabi ng tagapagsalita ng ASG na si Abu Sabaya, na inutos niya ang pagpatay kay Guillermo Sobero bilang “regalo sa kaarawan” ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Pilipinas. Noong Oktubre 7, 2001, may nakuhang bungo sa Basilan Island, na napag-alamang bungo ni Guillermo Sobero. Noong Hunyo 2002, napatay si Martin Burnham sa barilan ng mga sundalong Pilipino at ng ASG; bagama’t nasugatan si Gracia, nailigtas siya at ibinalik sa Estados Unidos.
Si Hapilon ay isinakdal sa District of Columbia para sa sinasabing kanyang pagkakasangkot sa mga gawang terorismo laban sa mga mamamayan ng Estados Unidos at mga mamamayan ng ibang bansa sa at sa palibot ng Republika ng Pilipinas.
Click here to listen to a Public Service Announcement about this terrorist


