Wanted
Ayman al-Zawahiri
Hanggang $25 Milyong Gantimpala
Lugar ng Kapanganakan : Egypt
Buhok : Brown/Itim
Mata : Maitim
Kasarian/Lalake o Babae : Lalaki
Nasyonalidad : Egyptian
Mga Alyas : Abu Muhammad, Abu Fatima, Muhammad Ibrahim, Abu Abdallah, Abu al-Mu’iz, The Doctor, The Teacher, Nur, Ustaz, Abu Mohammed, Abu Mohammed Nur al-Deen, Abdel Muaz, Dr. Ayman al Zawahiri
Si Ayman al Zawahiri ay isang doktor at siya ang nagtatag ng Egyptian Islamic Jihad. Kontra itong organisasyon sa secular na Pamahalaan ng Egypt at hangad itong ibagsak sa pamamagitan ng marahas na paraan. Pinaniniwalaang si Al-Zawahiri sa kasalukuyan ang tagapagpayo at doktor ni Usama bin Ladin. Siya ay isinakdal dahil sinasabing kasali siya sa mga pagbomba sa mga U.S. Embassy sa Dar es Salaam, Tanzania at Nairobi, Kenya noong Agosto 7, 1998
Ang indibidwal na nakalista sa taas ay kinasuhan ng sumusunod na mga paratang:
Pagpatay ng mga Amerikano sa labas ng Estados Unidos; pagsasabwatang patayin ang mga Amerikano sa labas ng Estados Unidos; attack sa isang pasilidad ng pamahalaang pederal na nagresulta sa kamatayan.
Sina Usama bin Ladin, Ayman al-Zawahiri, Fazul Abdullah Mohammed, Fahid Mohammed Ally Msalam, Sheikh Ahmed Salim Swedan, Abdullah Ahmed Abdullah, Saif al-Adel, Anas al-Liby, Ahmed Mohamed Hamed Ali, at ang mga iba pang nakakulong na, ang pinaniniwalaang may-kagagawan ng mga pagbomba ng mga U.S. Embassy sa Tanzania at Kenya noong Agosto 7, 1998. Napatay ang 224 sibilyan at nasugatan ang higit sa 5,000 iba pa, sa mga pagbomba sa embassy. Ang mga terorista ay pinaniniwalaang mga miyembro ng al-Qa’ida, isang network ng mga terorista mula sa iba’t ibang bansa na pinamumunuan ni Usama bin Ladin.

