Skip Navigation.

Naghahanap ng Impormasyon Laban sa Pandaigdig na Terorismo

Terorismo sa Pamamagitan ng Paggamit ng mga Sandatang Sumisira at Pumapatay ng Marami


Ang mga teroristang may balak na bumili at gamitin ang mga sandatang sumisira at pumapatay ng marami (WMD) ay nagbibigay ng malubhang panganib sa kapayapaan at kaligtasan ng mundo. Ang WMD ay maaaring makapatay ng maraming sibilyan at lipusin ang mga unit na tumutugon sa mga emergency. Kabilang sa WMD ang mga sandatang nuclear, chemical, biological, at radiological, pati na rin ang malalaking conventional na bomba na pwedeng magsanhi ng napakalaking pagkakapagwasak.

Ang Estados Unidos ay nakatalagang hadlangan ang mga terorista sa paggamit nitong mga sandatang tumutupok.

Kung kayo ay magbigay ng impormasyong magbibigay-daan sa pag-aresto o paghatol ng may-sala ng sinumang gumagawa, nagtatangka, o nakikipagsabwatang gawin, o tumutulong sa pagpapatupad ng terorismo na gumagamit ng WMD laban sa mga mamamayan o pag-aari ng Estados Unidos sa alinmang dako ng mundo, kayo ay maaaring maging karapat-dapat makatanggap ng gantimpala.

Para magbigay ng tip, i-click dito.

Bigyang-pansin: Ang anumang mga sinasadyang maling pahayag ay ipagbibigay-alam sa mga naaangkop na awtoridad.

Ang sumusunod na mga indibidwal ay sinakdalan ng paggamit ng, o pakikisabwatang gamitin ang WMD:

Jamal Mohammad al-Badawi

Ahmad Ibrahim al-Mughassil

Abdelkarim Hussein Mohamed al-Nasser

Ibrahim Salih Mohammed al-Yacoub

Ali Said bin Ali el-Hoorie

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga teroristang ito o iba pang mga teroristang wanted, mangyaring tingnan ang aming pahina ng Mga Wanted dahil sa ginawang Terorismo.

Noong Hulyo 15, 2006, inilunsad nina Pangulong Bush at Pangulong Putin ang Global Initiative to Combat Nuclear Terrorism. Ang layon nitong bukud-tanging inisyatiba ay palawakin at dagdagan ang samahan para labanan ang panganib ng nuclear terrorism sa lahat ng dako ng mundo.