Skip Navigation.

Naghahanap ng Impormasyon Laban sa Terorismo sa Lahat ng Dako ng Mundo

Buod ng Programa


Ang Rewards for Justice program ay patuloy pa ring isa sa pinakamahalagang asset ng Pamahalaan ng Estados Unidos. Itinatag ng 1984 Act to Combat International Terrorism (Batas para Labanan ang Terorismong Pandaigdig), Public Law 98-533, ang Programa ay pinamamahalaan ng Bureau of Diplomatic Security ng U.S. Department of State.

Alinsunod sa programang ito, ang Secretary of State ay kasalukuyang naghahandog ng mga gantimpala na hanggang $25 milyon para sa mga impormasyong hahadlang o lulutas sa mga gawang terorismo laban sa mga mamamayan o mga pag-aari ng Estados Unidos sa lahat ng dako ng mundo. Maaari ring magbigay ng gantimpala para sa impormasyong magbibigay-daan sa pag-aresto o mahatulan ng pagkakasala ang mga teroristang nagtatangka, gumagawa, nakikipagsabwatang gawin, o tumutulong na gawin ang mga ganitong gawain.

Ang USA Patriot Act of 2001, na naging batas noong Oktubre 26 ay nagbibigay-kapangyarihan sa Secretary na maghandog o magbayad ng mga gantimpalang higit sa $5 milyon kung pagpasiyahan niyang kinakailangan ang mas malaking halaga para labanan ang terorismo o para protektahan ang Estados Unidos laban sa mga gawang terorismo. Pinahintulutan ni Secretary Powell ang Gantimpalang hanggang $25 milyon para sa impormasyong magbibigay-daan sa paghuli kay Usama bin Ladin at ng iba pang mga importanteng lider ng al-Qa’ida.

Magmula sa pagsisimula ng Rewards for Justice program noong 1984, ang Pamahalaan ng Estados Unidos ay nagkaloob ng higit sa $77 milyon sa higit sa 50 tao na nagbigay ng mapagtitiwalaang impormasyon na nagresulta sa pagkulong sa mga terorista o sa paghadlang sa mga gawang terorismo sa iba’t ibang bansa. Malaki ang naitulong ng programa sa pag-aresto sa teroristang si Ramzi Yousef, na nahatulang may-sala sa pagbobomba ng World Trade Center noong 1993.

Bagaman ang batas na sumasakop sa Rewards for Justice program ay nakatuon sa terorismo laban sa mga Amerikano, ang Estados Unidos ay nagbibigay ng impormasyon sa ibang mga bansa na may mga mamamayan na nanganganib ang buhay. Ang bawa’t pamahalaan at mamamayan ay may pakialam na iharap sa husgado ang mga terorista at hadlangan ang mga gawang terorismo