Wanted
Usama bin Ladin
Hanggang $25 Milyong Gantimpala
Lugar ng Kapanganakan : Saudi Arabia
Taas : 6’4” – 6’6” (193 cm)
Timbang : 160 libra (71.000000 kg)
Buhok : Brown
Mata : Brown
Kulay ng balat : Kayumanggi
Kasarian/Lalake o Babae : Lalaki
Nasyonalidad : Saudi Arabian
Mga Katangian : May balbas, bigote; gumagamit ng baston sa paglakad.
Kalagayan : Fugitive
Mga Alyas : Usama bin Muhammad bin Ladin, Shayk Usama bin Ladin, the Prince, the Emir, Abu Abdallah, Mujahid Shaykh, Hajj, the Director
Si Usama bin Ladin ay wanted kaugnay ng mga attack sa World Trade Center at sa Pentagon noong Septiyembre 11, 2001 at para sa mga pagbomba sa mga U.S. Embassy sa Dar es Salaam, Tanzania at Nairobi, Kenya noong Agosto 7, 1998.
Ang indibidwal na nakalista sa taas ay kinasuhan ng sumusunod na mga paratang:
Pagpatay ng mga Amerikano sa labas ng Estados Unidos; pagsasabwatang patayin ang mga Amerikano sa labas ng Estados Unidos; attack sa isang pasilidad ng pamahalaang pederal na nagresulta sa kamatayan.
Sina Usama bin Ladin, Ayman al-Zawahiri, Fazul Abdullah Mohammed, Fahid Mohammed Ally Msalam, Sheikh Ahmed Salim Swedan, Abdullah Ahmed Abdullah, Saif al-Adel, Anas al-Liby, Ahmed Mohamed Hamed Ali, at ang mga iba pang nakakulong na, ang pinaniniwalaang may-kagagawan ng mga pagbomba ng mga U.S. Embassy sa Tanzania at Kenya noong Agosto 7, 1998. Napatay ang 224 sibilyan at nasugatan ang higit sa 5,000 iba pa, sa mga pagbomba sa embassy. Ang mga terorista ay pinaniniwalaang mga miyembro ng al-Qa’ida, isang network ng mga terorista mula sa iba’t ibang bansa na pinamumunuan ni Usama bin Ladin.

