Wanted
Abdullah Ahmed Abdullah
Hanggang $5 Milyong Gantimpala
Lugar ng Kapanganakan : Egypt
Taas : 5’8” (173.000000 cm)
Pangangatawan : Katamtaman
Buhok : Maitim
Mata : Maitim
Kasarian/Lalake o Babae : Lalaki
Pagkamamamayan : Egyptian
Kalagayan : Fugitive
Mga Alyas : Abu Mohamed al-Masri, Saleh, Abu Mariam
Maaaring may bigote si Abdullah, at may pilat siya sa babang kanang labi. Siya ay isinakdal dahil sinasabing kasali siya sa mga pagbomba sa mga U.S. Embassy sa Dar es Salaam, Tanzania at Nairobi, Kenya noong Agosto 7, 1998
Ang indibidwal na nakalista sa taas ay kinasuhan ng sumusunod na mga paratang:
Pagpatay ng mga Amerikano sa labas ng Estados Unidos; pagsasabwatang patayin ang mga Amerikano sa labas ng Estados Unidos; attack sa isang pasilidad ng pamahalaang pederal na nagresulta sa kamatayan; pagsasabwatang patayin ang mga Amerikano, pumatay, wasakin ang mga gusali at pag-aari ng Estados Unidos, at wasakin ang utilities ng Estados Unidos na para sa pagtatanggol ng bansa.
Sina Usama bin Ladin, Ayman al-Zawahiri, Fazul Abdullah Mohammed, Fahid Mohammed Ally Msalam, Sheikh Ahmed Salim Swedan, Abdullah Ahmed Abdullah, Saif al-Adel, Anas al-Liby, Ahmed Mohamed Hamed Ali, at ang mga iba pang nakakulong na, ang pinaniniwalaang may-kagagawan ng mga pagbomba ng mga U.S. Embassy sa Tanzania at Kenya noong Agosto 7, 1998. Napatay ang 224 sibilyan at nasugatan ang higit sa 5,000 iba pa, sa mga pagbomba sa embassy. Ang mga terorista ay pinaniniwalaang mga miyembro ng al-Qa’ida, isang network ng mga terorista mula sa iba’t ibang bansa na pinamumunuan ni Usama bin Ladin.

